MyArticle » Education » PISARA AT ESTUDYANTE

PISARA AT ESTUDYANTE


View PDF | Print View
by: cyrilstaromana
Total views: 28
Word Count: 837
Date: Sat, 12 Feb 2011 Time: 4:03 AM

Pisara at ang mga Estudyante

 

Hay naku! ito na naman, nakatulala na naman dito sa apat na sulok ng silid aralan. Maliban na lang sa iba na walang ginawa kundi ang magkwentuhan at magtawanan. Maya-maya ay umihip ang hangin, malamig tila ba may isang bagay ang nais ipahiwatig ng bigla na lamang akong nanlamig at napatingin sa pisara namin, hindi ko alam kung ano ngunit ang isip ko ay biglang naghanap ng bagay na mapagsusulatan. Muli na naman akong napatingin sa pisara namin at ako'y may biglang naalala, tama, alam ko na yung panahon ng ako ay bata pa. Noon madalas akong tanungin ng aking ama't ina kung ano ang nais ko paglaki ko, sabi ko gusto kong maging abogado para protektahan ang mga tao at mabigyan ng pantay pantay na karapatan, pero syempre hindi naman natupad kasi nga ang laki ng gagastuisin kapag nag-aral na ako ng Law. Ngayon nasa kolehiyo na ako, ibang-iba na noong bata pa ako, mas malawak na ang aking pag-iisip at mas marami na akong nadidiskubreng talento sa sarili ko. Ngayon tama nga ang mga magulang ko. Iba na nga talaga ang buhay kapag ikaw na ay nasa kolehiyo, malaya kahit papaano.

 

Ano ba talaga ang dahilan kung bakit kami nag-aaral?. Nag-aaral ba kami para matuto, para makinig sa mga turo ng aming mga propesor, para imemorize ang mga lessons at maperfect ang mga test. Magsulat para dagdag points sa grades, magrecite para sabihing magalaing ka sa klase, makipagkumpetensya para malaman kung sino ang mas magaling, pumaspok at matakot dahil sa natatakot kang mapahiya kapag natawag ka ng iyong guro sa harapan at mali ang sagot mo dahil sa lahat ng nakasulat sa pisara ay halos hindi pumapasok sa isip mo o natatakot kang mapahiya dahil alam ng lahat na ikaw ay magaling at kapag nagkamali ka ay lumayo ang lahat sa iyo. Magpacute, magpaganda sa crush mo, magpaligaw tapos ano?. Mag-aral para sa kinabukasan mo at sa kinabukasan ng pamilya mo. ANO?. Hindi na katulad ng dati ng nasa sekondarya pa ako, kahit bagsak ka makita lang nilang pursigido ka pasado ka na, ngayon hindi na, umabsent ka, magcutting ka, walang pakialamanan pa, kasalanan mo kung bumagsak ka. Kung dati may espesyal test , nagyon hindi na. Sa project noong highschool kahit deadlina na pwede pa ring magpasa ngayon, siguro kapag mabait ang prof. mo pwede pa. Marami rin ngayong sosyal at pasosyal, marami rin ang mayabang at mapagmataas yan ang unang impresyon ko sa kolehiyo ngayong nasa kolehiyo na ako. Ngayon magulo, kahit may kurso tayo, hindi natin alam kung para sa atin ba ang kursong kinuha natin. Marami tayong nais mangyari sa buhay natin. Maraming advantages at disadvantages ang lahat sa estado ng buhay natin. Hindi natin alam ang mangyayari bukas. Yung iba kahit nakapagtapos na walang trabaho, sayang lang din. May trabaho man, iba naman sa kursong nakuha natapos. At sana, sa bawat bagay na gagawin natin isipin natin ang ating mga magulang na nagmamakahirap sa atin, sa mga magulang natin na gumigising lagi ng maaga para may kitain at para may ipangbaon sa atin, siguro ngayon, hindi pa natin nararamdaman ang nararamdaman ng ating mga magulang. Ngunit kahit isang saghlit lang ipikit nyo yung mga mata nyo at isipin nyo ang mga pagmamakahirap nila sa trabaho. Ano ang mararamdaman at maiisip mo sa lahat ng ito, na oo nga tama ako, na ang iba sa atin sarili lang ang iniinsip natin, ang kaligayahan natin, angkalayawan natin at ni minsan ay hindi natin halos maisip ang magulang natin, dahil sa maypagkukulang sila sa atin at ang mga mali natin ang madalas na mapapansin. Maari nga na may pagkukulang sila sa atin, iyong pagkukulang na iyon ay itinutodo nila sa trabaho, pagmamahal at pasakit ang nilalaman nito. Kaya matuto tayong magpasalamat dahil sila ang ating mga magulang. Kaya suklian natin sila sa pamamagitan ng pagaaral ng maayos.

 

Maraming pagsubok  na pagdadaanan, pero kahit anong hirap, kailangan mo pa ring lumaban, kailangan lang determinado at inspirasyon mo ang pamilya mo at ang mga pangrarap mo. Huwag kang padadaig sa mga taong nasa paligid mo at sa mga taong nais humila pababa sa iyo. Lahat tayo may mga panagarap na nais abutin mahirap man, may kaya at kahit mayayaman pa. Ako sa bawat pagsubok na dumarating sa buhay ko nagpapakatatag ako. Hindi ako nawawalan ng pag-asa lalo na kapag nakikita ko ang mga magulang ko. Syempre, lumalakas din ako sa pamamagitan ng pananalig sa ating Diyos na makapangyarihan. Sa ating mga kaibigan na sa ati'y laging nandyan. Lahat ng ito'y ating mapagtatagumpayan. Basta laging tatandaan lagi tayong manalangin at " DON'T GIVE UP! FIGHT! FIGHT! FIGHT!"  lang lagi. At kapag natupad na natin ang ating mga panagarap huwag nating kakalimutan ang ating pinagmulan. Matutong tumanaw ng utang na loob at magpasalamat sa lahat ng taong tumulong at sumuporat sa atin. Huwag taytong maging mapagmataas baka hindi mo namamalayan na naroon ka naman muli sa baba. At matuto tayong magapasalamat sa lahat ng biyaya na ating tinatamasa.

About the Author



Latest Articles about: Education


Popular Articles about: Education




Rating: Not yet rated


??????